Lunes, Oktubre 2, 2017

Kontemporaryong Isyu

Ano nga ba ang kontemporaryong isyu? Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa pangyayari, ideya, opinyon, o paksa na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.  Ito ay sumasaklaw sa interes ng mga tao.  Ito rin ang tinatalakay na paksa sa kasalukuyan na binibigyang-pansin ng mga mamamayan. Ito ay napapansin sa mga balita at usapan dahil naapektuhan ang nakararami at ang mga mamamayan sa isang bansa, rehiyon, o ng buong mundo. Sa ating bansa, kadalasang isyu ay tungkol sa ating lipunan na kung saan ito ay umiikot sa kaganapang pampulitika, gaya ng mga panukala ng ating gobyerno, usaping showbiz kung saan tinatalakay ang mga isyu ng mga artista na nasasangkot sa masamang gawain. Ngayon talamak na ang pag gamit internet at social media, nag iiba na rin ang pamamaraan ng pagtatalakay ng mga isyu. Kung dati ay nasa diyaryo, radio, at telebisyon lang napag-uusapan ang mga isyu, ngayon kahit sino ay maari ng sumali sa talakayan. Ang kontemporaryong isyu ay nag-iiba ayon sa mga taong naguusap-usap dahil may kanya-kanyang alalahanin ang iba’t ibang sector ng lipunan. May mga paksa pa ring sumasaklaw sa karamihan bagamat nakatutok lamang ito sa isang pangkat. Isang halimbawa ay ang isyu ng libreng matrikula. Hindi lamang ito makakaapekto sa mga estudyante, kasali rin ang ating mga magulang, guro, paaralan, gobyerno, at buong bansa.

 



Mayroong apat na uri ang kontemporaryong isyu, una ay ang kontemporaryong isyung panlipunan. Dito tinatalakay ang mga isyu na tungkol sa ating lipunan tulad ng: pension hike, halalan, rasismo, palitan ng pera, at terorismo gaya ng kaguluhan sa marawi na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos.
Ang ikalawang kontemporaryong isyu, kontemporaryong isyung pangkalusugan. Dito tinatalakay ang isyung pangkalusugan tulad ng: sobrang katabaan, Kanser, HIV/AIDS, drug addiction, malnutrisyon, at iba pang nakahahawang sakit.
Ang ikatlong kontemporaryong isyu ay ang kontemporaryong isyung pangkapaligiran na kung saan tinatalakay ang mga isyung nakaapekto sa ating kapaligiran gaya ng: global warming, bagyo, polusyon, at lindol. Dahil kung ito ay ating pinabayaan maaaring wala ng tao ang nabubuhay sa mundo pagdating ng panahon, dahil tao rin ang patuloy na sumisira ng ating tirahan.
Ang pangapat na kontemporaryong isyu at ang kontemporaryong isyung pangkalakalan. Dito tinatalakay ang pag export/import ng mga produkto ng iba’t ibang bansa, online shopping, free trade, at pandaigdigang samahan.



Bakit nga ba kailangang talakayin ang kontemporaryong isyu? Kailangan nating talakayin ang kontemporaryong isyu upang malaman natin ang nangyayari sa ating paligid at magkaroon ng kaalaman ukol dito. Kailangan natin malaman kung ano ang mga maaring maging mabuting solusyon upang mabawasan ang mga isyu na ito at magkaroon tayo ng mapayapa at maayos na mundo.